UPDATED: Mag-ingat sa mga pekeng Facebook accounts
September 25, 2025
Napag-alaman namin na may mga scammers na kumakalat online na nagpapanggap bilang mga empleyado ng 123 Finance Group. Nag-o-offer sila ng personal loan pero humihingi ng paunang bayad o “deposit” bago daw iproseso ang loan. Ginagamit ng mga manlolokong ito ang mga larawan at personal na impormasyon ng aming totoong empleyado mula sa Facebook, para gumawa ng pekeng Facebook o Telegram account. Doon nila minemessage ang aming mga kliyente — lalo na ang mga OFW na nasa ibang bansa — at mag-aalok ng pautang kapalit ng “advance fee”. Ang ganitong modus ay tinatawag na “advance-fee scam.”
Nais naming ipaalam sa publiko na ang 1 2 3 Finance Group ay HINDI kailanman hihingi o humihinge sa mga aplikante ng kahit na magkanong halaga ng pera tulad ng "credit assessment fees o service fees" para sa pagproseso ng inyong paghiram ng pera sa 1 2 3 Finance Group. Ang processing fee ay maaring ibawas sa kabuohang perang hiniram ng isang aplikante sa oras na aprobado na ang kanyang aplikasyon.
Para sa lehitimong Facebook Page ng 1 2 3 Finance Corporation narito lamang ang link: https://www.facebook.com/123FinanceCorporationPH.
Ang mga sumusunod na page, profile, o group — ay peke at dapat iwasan.



































